KAMING MGA LALAKE
1. Moody, pero hindi
pinapahalata, kasi ayaw
namin na maging
malungkot pa ang ibang
tao sa paligid namin dahil sa
kalungkutan namin.
2. Ayaw namin ng
nanlalambing, hindi dahil sa
tinatamad kami o may
nagugustuhan kaming iba,
dahil alam naming masama
kapag napasobra kami, masyado kayong
kumukulit lalo.
…
3. Sinungaling. Oo sabihin na
nilang kami ang
pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa
lang naman namin ang
pagsisinungaling na ito para
maiwasan na masaktan ang
inyong mga damdamin.
Kung minsan, hindi na lang namin pinapansin kung ano
ang nakita namin, para
wala ng masyadong usap.
4. Kawawa lalo na sa text
lalo na kapag may ginawa
daw kaming mali kahit
hindi naman namin alam.
Dapat kasi, intindihin din
sana ang side ng mga lalaki.
5. Mas seloso kami. Natural
makikipag-usap kami sa
ibang babae, hindi
maiiwasan ‘yon. Ang hindi
lang alam ng mga babae,
kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila,
kahit ba babae din ‘yon ay
nagseselos rin ang mga
lalaki. Babae lang ba may
karapatan magselos? Selfish
din kami. Hindi lang siguro natural na showy o masalita
ang lalaki sa ganyang
bagay.
6. Hindi magaling magtago
ang mga lalaki. Kung
magaling, e bakit
nakakapagbigay kayo ng
pagseselos? Ibig sabihin
may hint na lumabas. Oo sabihin na nating ang puso
ninyo ay sa amin lang kahit
makakita kayo ng 1M na
mas gwapong lalaki, may
chance pa rin na sa 1M na
‘yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensyon
mo. Magaling lang kayo
magtago.
7. Pinagmamalaki namin
ang mga babae sa buhay
namin sa harap ng
maraming tao kasi ‘yon ang
gusto nila, e. Sunud-
sunuran lang kami, wag lang magkaroon ng away.
Kung kami tatanungin, mas
gusto namin na ipagmalaki
sila ng hindi nila alam di
dahil gusto namin
manglandi ng iba. Gusto namin i-preserve ang
babaeng iyon para lang sa
amin.
8. Ayaw namin sa mga
nililigawan namin ng ubod
ng tagal. Nagmumukhang
paasa. Pero sa totoo naman
paasa lang naman talaga
silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig
muna bago kami kilalanin.
9. Kapag maingay kami,
sumabay kayo. Gusto
namin ng masayang buhay,
at ang pagtawa man minsan
ay nagsisilbing
panandaliang paglimot sa aming mga problema. Gusto
namin sa hirap at ginhawa
nandiyan ang mga babae,
kailangan man ng yakap o
ano, basta ang gusto namin
kasama lang sila. Tapos.
10. Gustong gusto namin
‘yung mga babaeng malaki
ang respeto sa amin, at sa
paraang iyon ay
rerespetuhin din naman
namin sila at ibibigay ‘yung kiss on the forehead na
gustong-gusto nila.
Tandaan ninyo sanang
kung makakagawa man
kami ng kaimoralidad sa
inyo, siguro dahil nagbibigay kayo ng
pagpayag na gawin namin
iyon, direct or indirect man.
11. Ang nagpapa-turn on
samin ay ‘yung babaeng
kayang tumayo sa sarili
nilang paa. Ayaw namin ng
mga pa-baby effect kasi
nakakainis. Ang gusto namin ay ‘yung
makakasama sa
paglalakbay, hindi ‘yung
kailangan mula simula kami
ang aalalay.
12. Ayaw namin sa mga
babaeng pakipot sa text.
Kung mahal ninyo kami,
sabihin ninyo. Nakakainis.
Para bang alipin ang tingin
sa amin — ‘yon pa naman ang ayaw namin.
13. Sobra kaming natutuwa
sa mga babaeng nag-
eeffort din: kasi nakikita
naming naaappreciate lalo
ng mga babaeng ganoon
ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi
‘yung kami na lang ng
kami. Hindi sa
nagrereklamo kami na
napapagod kami, pero
kapag ganoon ang nangyayari matutuwa ka
bang pinagtatawanan ng
ibang tao ang boyfriend mo
at tutuksuhing “ander” at
“takusa”?
14. Ang pangarap naming
mga lalaki ay mapakilala sa
mga taong malapit sa buhay
niya, hindi para angkinin
ang isang babae kundi para
malaman ng mga taong iyon kung gaano kami
kapursigido na mga lalaki
na maging kalahating-
bahagi sa buhay ng isang
babae.
15. Mas magaling kaming
magpretend. Alang-alang
itong lahat sa pride namin
bilang lalaki. Walang
masama kung ayaw ibaba
kung minsan ng lalaki ang kanyang pride, dahil ito ang
bumubuo sa kanyang
pagkalalaki. Kapag mag-isa
ang lalaki, hindi man kami
umiiyak, kayo ang
pumapasok sa isipan namin. Hindi narerealize ito ng mga
babae kasi sarili nila ang
madalas nilang isipin kung
tungkol sa relasyon ang
pag-uusapan.




